Mahigit 3.5 milyong bakuna darating na ngayong linggo

Inianunsyo ni Senador Bong Go ang pagdating ng karagdagang bakuna laban sa COVID- 19 bukas hanggang sabado.

Sa pagdinig ng Senate Commitee on Health, sinabi ni Go na Chairman ng komite na aabot sa 1.5 milyong Sinovac ang darating bukas.

Bukod pa rito ang dalawang milyong Astrazeneca vaccine mula sa COVAX facility na darating sa sabado.

Dahil dito sinabi ni Go na mas maraming medical frontliners at mga nasa vulnerable sector na ang mababakunahan.

Priority sa mabibigyan nito ang mga nabakunahan na ng first ng dose at naghihintay na lang ng second dose.

Dahil dito ay inaasahan na aniya ma mababawasan na ang nahahawa sa virus.

Meanne Corvera

Please follow and like us: