Mahigit 3 libong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 3,972 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,188,672 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 48,201 naman ang aktibong kaso.

May 4,659 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,120,452 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 36 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 20,019 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: