Mahigit 3 milyong halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Quezon

Dalawang suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Tayabas City, Quezon.

Nasa kabuuang 3.1 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat mula kina Edwin Tan Luistro, 50-anyos at Añoso Batoto, 52-anyos, pawang mga residente ng Catanauan, Quezon sa operasyon sa Barangay Calumpang, Tayabas City.

Nahuli si Luistro matapos magbenta ng shabu sa isang undercover na pulis.

Nakuha kay Luistro ang isang itim na coin purse na may plastic bag na naglalaman ng shabu at may street balue na 994,704 piso, isang 1,000 peso bill at siyam na 1,000 pisong boodle money na ginamit na buy-bust money.

Ang kasamahan nitong si Batoto ay nagtangka pa sanang tumakas pero nahabol din ng mga pulis.

Nakakulong na ang mga supect sa Tayabas City Police Station at nakatakdang sampahan ng mga kasong kriminal.

Please follow and like us: