Mahigit 300 bagong kaso ng COVID-19 naitala

Nakapagtala ng 356 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ito na ang pinakamababang daily new cases na naitala mula noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,835,345 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 13,026 ang aktibong kaso.

May 871 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,772,728 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 92 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 49,591 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, sa 92 deaths na ito, 3 lang ang ngayong Disyembre.

Ang 18% ay noong Nobyembre habang ang iba ay late lamang naireport.

Madz Moratillo

Please follow and like us: