Mahigit 3,000 school bags na may lamang school supplies, ipinamahagi sa mga mahihirap na estudyante sa Imus City, Cavite

Sinimulan nang ipamahagi ng Imus City Govt. ang nasa mahigit 3,000 o kabuuang 3,500 school bags na may mga lamang school supplies.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Local Council for the Protection of Children o LCPC.


Ipagkakaloob ng Deped Imus ang mga naturang gamit sa eskuwela sa mga piling kabataan na walang kakayahang makabili ng mga gamit para sa pag- aaral. 

Ang proyektong ito ng LCPC at DepEd ay isinasagawa taun taon para makatulong sa mga kabataang kapus-palad sa Imus City Cavite. 

Jet Hilario

Please follow and like us: