Mahigit 3,300 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON

Nadagdagan ng mahigit 3,000 ang kaso ng COVID- 19 sa CALABARZON.

Ayon sa DOH Center for Health Development IV CALABARZON, kabuuang 3,378 ang bagong naitalang nahawahan ng virus sa rehiyon ngayong Hunyo 2.

Dahil dito, aabot na sa 168,649 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Region IV- A.

Gayunman, nasa 16,900 na lamang ang aktibong kaso ng sakit matapos gumaling na lagpas sa 146,800 pasyente.

Mula sa nasabing bilang, kabuuang 4,222 ang bagong recoveries nitong Miyerkules.

May pumanaw naman na panibagong 134 COVID patients kaya nasa 4,800 na ang namatay sa rehiyon dala ng virus.

Moira Encina

Please follow and like us: