Mahigit 34 milyong piso ng shabu, nasabat sa isang Grab driver sa Caloocan City

Limang kilo ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa Amparo, Barangay 179, Caloocan City bandang alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Ito’y matapos mahuli sa buy-bust operation ang isang grab driver na ginagawang front ang trabaho para makapag puslit ng iligal na droga.

Ayon kay Calocan City PNP Chief Police Colonel Samuel Mina, isinailalim muna nila sa masusing surveillance ang suspek na si Uriel Hewe matapos makatanggap ng intelligence report kaugnay sa iligal na aktibidad nito.

Matapos makumpirma ng Amparo sub station, ay agad ikinasa ang buy bust kung saan nahuli ang suspek.

Nakuha sa kanya ang 5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 34,680,000 piso sa bahay nito sa Mangga St., Amparo Subdivision.

Bukod dito, nakuha rin sa suspek ang isang Caliber 45 ARSMCOR.

Edison Domingo Jr.

Please follow and like us: