Mahigit 400 tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA,nireshuffle

Nagpatupad ng reshuffle ang Bureau of Immigration sa kanilang mahigit 430 tauhan sa Ninoy Aquino International Airport simula ngayong araw.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, layon nitong maiwasan ang korapsyon sa hanay ng kanilang mga tauhan.

Bahagi rin aniya ito ng kanilang inisyatiba sa paglilinis sa ahensya.

Ayon kay Morente, hindi lang BI officers sa mga immigration booth sa NAIA ang kanilang nireshuffle kundi maging 79 immigration supervisors na nakatalaga sa NAIA.

Sinabi naman ni Atty. Carlos Capulong, hepe ng Port Operations Division ng BI, na nais din nilang masiguro ang patas na distribusyon ng trabaho ng bawat isa.

Ang rotation scheme na ito sa mga BI personnel sa NAIA ay ipapatupad aniya tuwing ikatlo o ika apat na buwan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: