Mahigit 4,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,575 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa DOH, umabot na sa 3,627,575 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 93,307.

May 7,504 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,479,485 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 94 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,783 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Pebrero 8, at 5 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Repository System.

Please follow and like us: