Mahigit 70 pamilya sa Santa Rosa City, Laguna, inilikas dahil sa bagyong Quinta

Aabot sa mahigit 70 pamilya sa Santa Rosa City, Laguna ang inilakas sa mga evacuation centers dahil sa banta ng mga pagbaha bunsod ng bagyong Quinta.

Ayon sa impormasyon mula sa pamahalaang lungsod, animnapung pamilya mula sa Brgy. Aplaya at labing-isang pamilya naman mula sa Brgy. Caingin ang inilikas.

Samantala, natumba ang ilang mga puno sa mga barangay ng Dita, Kanluran, Tagapo, at Don Jose dahil sa lakas ng hanging dala ng Quinta sa magdamag.

Pinangunahan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga barangay at lungsod ang pag-alis sa mga nagtumbahang puno sa mga kalye at kalsada.

Batay naman sa pinakahuling monitoring sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa Santa Rosa, hindi pa naman umaapaw ang tubig partikular sa bahagi ng Arcilllas Blvd., Rizal Blvd., at Masiit sa Brgy. Labas.

Moira Encina

Please follow and like us: