Mahigit 7,000 na bagong kaso ng COVID- 19 naitala ng DOH noong nakaraang linggo

Nakapagtala ng 7,398 bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, may 1,057 daily average case ng virus infection ang naitala.

Mas mataas ito ng 60% kaysa naitala noong Hunyo 20 hanggang 26.

May 19 bagong kaso ng severe at critical cases ang naitala habang may 74 ang bagong naidagdag sa listahan ng nasawi.

Pero sa bilang na ito, 3 lang ang nasawi noong Pebrero, 6 noong Enero at ang iba ay noong nakaraang taon.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: