Mahigit 77,000 katao sa CALABARZON nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19

Lagpas 77,000 indibidwal mula sa A1 hanggang A3 vaccine priority group sa CALABARZON ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng DOH CALABARZON, kabuuang 77,154 katao sa rehiyon ang nakatanggap na ng dalawang dose ng CoronaVac at AstraZeneca.

Mula sa nasabing bilang, mahigit 28,000 ay frontline health workers.

Nasa 22,000 senior citizens naman ang nakakumpleto ng COVID vaccines habang mahigit 27,000 ang person with comorbidities.

Umaabot naman sa mahigit 331,500 ang nabakunahan ng unang dose ng anti- COVID vaccines sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: