Mahigit 8,000 bagong kaso ng Covid-19, muling naitala sa bansa

Umabot na sa 82,228 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 8,615 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 25,146 ang naitalang bagong gumaling.

May 236 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 39,896 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,683,372ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,561,248 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Please follow and like us: