Mahigit 8,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,571 karagdagang mga kaso ng COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 884,783 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Pero sa kabuuang bilang, 165,534 o 18.7% lamang ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ng 400 mga panibagong gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 703,963 ang recovered cases.

Habang nakapagtala rin ng bagong 137 na pumanaw kaya umakyat na sa 15,286 ang death toll sa bansa sanhi ng Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: