Mahigit 8,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 98,894 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 8,292 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 302 ang naitalang bagong gumaling.

May 36 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 39,660 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID -19.

Sa ngayon ay 2,674,814 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,536,260 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: