Mahigit isang milyong fingerlings ng bangus, tilapia at hipon, ipinamahagi ng BFAR sa Bataan

Pinangunahan ni Dept. of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Regional Director Wilfredo Cruz, ang pamamahagi ng mahigit isang milyong fingerlings ng bangus, tilapia, at hipon sa walong bayan sa Bataan.

Katuwang ng BFAR Region 3 ang Office of the Provincial Agriculturist, at ang City and Municipal Agriculturist sa pamamahagi ng 250,000 bangus fingerlings, 500,000 P. Vannamei post larvae (hipon) at 300,000 tilapia fingerlings sa mga mangingisda ng bayan ng Orion, Pilar, Balanga City, Abucay, Samal, Orani, Hermosa at Dinalupihan.

Lubos naman ang pasasalamat ng provincial government ng Bataan sa BFAR.

Sinabi ni Governor Abet Garcia, na malaking tulong ito sa mga mangingisda upang matiyak ang suplay ng isda ngayong panahon ng pandemya.

Larry Biscocho

Please follow and like us: