Mahigit 20,000 pamilya, naapektuhan ng bagyong “Rolly” sa CALABARZON-DSWD

Nasa mahigit dalawampung libo o kabuuang 26,635 families ang na displaced nitong nagdaang pananalasa ng bagyong rolly sa region 4a. 


Base yan sa report na ibinigay ng 93 mga local government units sa DSWD Calabarzon region. 


22,000 families dito ay pansamantalang inilikas sa mga sa mahigit isang libong evacuation center sa Calabarzon. 


Sa kasalukuyan, patuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga naapektuhang LGU sa region 4a para matukoy ang kanilang pangangailangan at makapagbigay ng kaukulang tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: