Malacañang nagtalaga ng mga bagong opisyal at piskal sa DOJ-NPS

Mahigit 30 opisyal at piskal sa Department of Justice- National Prosecution Service ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay batay sa listahan na natanggap ni Justice Sec. Menardo Guevarra mula sa Malacañang.

Isa sa mga hinirang sa DOJ ay si bagong Assistant Sec. Majken Anika Gran- Ong.

Si Gran- Ong ang Head Executive Assistant sa Office of the Secretary sa DOJ mula noong July 2018 bago mahirang bilang assistant secretary.

Kasama rin sa mga bagong appointees ay mga provincial at city prosecutors sa iba’t ibang NPS office sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ang mga ito ay itinalaga sa mga piskalya sa Albay, Navotas City, Guihulngan City, Maynila, Taguig City, Pasig City, Marikina City, Las Piñas City, Muntinlupa City, San Juan City, Quezon City, at Davao City.

Moira Encina

Please follow and like us: