Malakanyang, hindi masabi kung tatanggapin ni Pangulong Duterte ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN

Hindi masagot ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng ABS CBN.

Sinabi ni Panelo na nasa desisyon ng Pangulo ang kung tatanggapin ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN.

Ayon kay Panelo dapat noon pa ginawa ng ABS -CBN ang paghingi ng paumanhin hinggil sa hindi naisahimpapawid na political ads ng Pangulo noong kampanya sa 2016 presidential elections.

Inihayag ni Panelo na nasa kamay na ng mga mambabatas ang ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: