Malakanyang itinangging naging kanang kamay ni Pangulong Duterte si SPO3 Lascańas

 

 

arturo

Mariing pinabulaanan ng Malakanyang ang ipinalulutang ng kampo nina Senador Antonio Trillanes at Senadora Leila de Lima na kanang kamay ni Pangulong Duterte noong Mayor pa ito ng  Davao City si SPO3 Arthur Lascañas.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang tanging kanang kamay ni Pangulong Duterte ay si Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon kay Panelo maging siya na kaibigan ng Pangulo ay walang makakapantay sa tiwala ng Pangulo kay Bong Go.

Inihayag ni Panelo na malayo sa katotohanan ang ipinakakalat ng mga kalaban ng administrasyon na close sa Pangulo si Lascañas na sinasabing leader ng Davao Death Squad o DDS.

Sagot ito ng Malakanyang sa naging pahayag ni DDS whistle blower Edgar Matobato na si Lascańas ang kanang kamay ng Pangulo.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: