Malakanyang nakatutok sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Agaton

Mahigpit na minomonitor ng Malakanyang ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Agaton.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na nakatutok ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon kay Andanar, nakalatag na ang mga relief assistance sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Agaton.

Inihayag ni Andanar na kailangang laging makipag-ugnayan sa mga local government units o LGUs ang mga apektadong residente para sa kaukulang tulong mula sa pamahalaan.

Vic Somintac

Please follow and like us: