Malakanyang pinayuhan ang publiko na hintayin ang guidelines ng DOH sa paggamit ng self administered COVID-19 test

Umapela ang Malakanyang sa publiko na hintayin muna ang guidelines na ilalabas ng Department of Health o DOH bago gumagamit ng self administered COVID-19 test kit.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na mahalagang masunod ang guidelines sa paggamit ng self administered COVID-19 test upang maiwasan ang false negative at false positive result.

Ayon kay Nograles kapag naging false positive o false negative ang COVID-19 test result magbigay ito nang problema sa mismong gumamit at sa komunidad.

Inihayag ni Nograles nakapaloob din sa guidelines na ilalabas ng DOH kung saan magrereport ang mga gumagamit ng self administered COVID 19 test.

Vic Somintac

Please follow and like us: