Malalakas na hangin naranasan sa Santa Rosa city, Laguna

Nararanasan na ang malakas na hangin at ulan sa Santa Rosa City, Laguna.

Bandang alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang malakas na paghangin at pag-ulan sa lungsod.

Wala pa namang namomomonitor ang lokal na pamahalaan na pagbaha sa Santa Rosa.

Pinapayuhan ng mga otoridad ang mga residente na patuloy na maghanda at manatili sa kanilang mga tahanan.

Moira Encina

Please follow and like us: