Malasakit Movement inalis sa pinal na listahan ng mga partylist group para sa May 2022 elections

Tinanggal na ng Commission on Elections sa pinal na listahan ng mga partylist group ang Malasakit Movement Inc.

Sa inilabas na notice ng Comelec, nakasaad na hindi na rin makakasama ang nasabing partylist group sa balota para sa halalan aa Mayo.

Ito ay matapos na maresolba na ng Comelec ang pending incident nito.

Si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago ang 1st nominee ng Malasakit Movement.

Sa kanyang paghahain ng Certificate of Nomination para sa Malasakit Movement, sinabi ni Pialago na kakatawanin nila ang mga social workers, barangay workers, solo parents, OFWs at kanilang pamilya sa Pilipinas.

Madz Moratillo

Please follow and like us: