Mandaluyong City LGU iniutos ang 24/7 na contact tracing operations sa lungsod

Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ang contact tracing sa lungsod.

Sa executive order na pirmado ni Mayor Menchie Abalos, 24/7 na ang contact tracing operations ng City Epidemiology and Surveillance Unit at ng iba pang tanggapan ng LGU na kasama sa contact tracing activities.

Layon nito na mapagbuti ang case detection at ang isolation at treatment response ng Mandaluyong City laban sa COVID-19.

Tiwala ang city government na magreresulta ito para mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Moira Encina

Please follow and like us: