Manila COVID-19 Field Hospital, binuksan na

Matapos pasinayaan kahapon, dumating na ang mga unang pasyente sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Ang Field Hospital ay matatagpuan sa Burnham Green ng Rizal Park.

Mayroon itong 344 bed capacity at ang mga pasyenteng nasa mild to moderate Covid-19 mula sa mga pagamutan sa Lungsod ay inililipat dito.

Pero aaalala ng City Government, bawal ang walk-in patients at kailangan munang makipag-ugnayan sa Manila Health Department.

Itinayo ang nasabing pagamutan sa loob ng higit 50 araw.

Please follow and like us: