Manila Mayor Isko Moreno, nakalabas na ng Ospital

Nakalabas na sa Sta. Ana Hospital si Manila Mayor Isko Moreno matapos magpositibo sa Covid 19.

Ang alkalde ay 10 araw na nanatili sa Ospital kung saan siya nagpagaling.

Agosto 15 ng ianunsyo ng alkalde na nagpositibo siya sa Covid 19.

Courtesy of Manila PIO

Pero kahit nakalabas na sa Ospital, sinabi ni Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office, na sasailalim parin sa 3 araw na isolation ang alkalde.

Courtesy of Manila PIO

Una rito, nakaranas ng kaunting ubo, sipon at pananakit ng katawan ang alkalde.

Ayon sa Alkalde, ika-limang araw niya ng confinement ng mawala na ang mga sintomas ng virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: