Manila Mayor Isko Moreno, sasabak narin sa pagka-presidente

Sasabak na rin sa Presidential elections si Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ang kinumpirma ni Julius Leonen, hepe ng Public Information Office ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila.

Si Mayor Isko ay una ng itinalaga ng Aksyon Demokratiko bilang kanilang Pangulo.

Ayon kay Leonen, si Dr. Willie Ong na kilala naman sa pagbibigay ng mga payong pangkalusugan sa social media ang magiging bise presidente ni Mayor Isko.

Bagamat wala pang kumpirmasyon sa kampo ng alkalde, una ng napaulat na bukas inaasahan ang pormal na anunsyo nito ng kanyang pagsabak sa Presidential race.

Madz Moratillo

Please follow and like us: