Manila Mayor Isko Moreno umapila sa publiko na huwag sayangin ang pera sa pagbili ng paputok

Umapila si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko partikular sa mga Manilenyo na huwag sayangin ang pera sa pagbili ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Paalala ni Mayor Isko, maraming bagay ang dapat mas paglaanan ng pera lalo na at patuloy pa ang banta ng COVID-19.

Marami naman aniyang paraan para maipagdiwang ang Bagong taon na mas ligtas at matipid.

Sa halip na gumastos sa paputok, itabi aniya ang pera lalo na at wala pang katiyakan ang maaaring mangyari sa 2021.

Nagbabala pa ang alkalde sa mga panganib na maaaring idulot ng paputok sa kalusugan ng isang indibidwal.

Madz Moratillo

Please follow and like us: