Manila Vice Mayor Honey Lacuna naghain na ng COC

Naghain na rin ng kanyang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.

Pic courtesy of Vice Mayor Lacuna campaign team

Si Lacuna ay kakandidato bilang Alkalde ng Maynila sa darating na halalan.

Kasabay niyang naghain ng COC si Congressman Yul Servo na kakandidato naman bilang bise alkalde.

Tatakbo sila sa ilalim ng Asenso Manilenyo party.

Bago naghain ng kanilang COC dumalo muna ang dalawa sa isang pagtitipon kung saan sila pormal na idineklara bilang standard bearer ng Asenso Manilenyo.

Madz Moratillo

Please follow and like us: