Manila Water, may water interruption sa ilang bahagi ng Makati at QC

Makararanas ng water interruption ang mga customer ng Manila Water Company, Inc. sa ilang bahagi ng Makati City at Quezon City.

Sa advisory ng water concessionaire sa kanilang social media sites, ang interruption ay mula bukas, Lunes, July 4 at Martes, July 5, 2022.

Ito ay dahil sa isasagawang line maintenance activities sa mga nasabing araw.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang:

  • Bahagi ng Brgy. Pembo, Makati city mula alas-10:00 ng gabi ng July 4 hanggang alas-4:00 ng umaga ng July 5;
  • Bahagi ng Brgy. Blue Ridge B, Quezon City: mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng July 5; at
  • Bahagi ng Brgy. Horseshoe, Quezon City: mula alas-10:00 ng gabi ng July 5 hanggang alas-5:00 ng umaga ng July 6

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kakailanganin habang may interruption.

Inaabisuhan din ang mga residente na sa sandaling magbalik na ang suplay ng tubig ay hayaan munang dumaloy ang tubig mula sa kanilang mga gripo ng ilang minuto hanggang sa ito ay maging malinaw ang kulay.

Maaari ring kontakin ang Manila Water sa kanilang hotline 1627 o sa kanilang social media sites.

Please follow and like us: