Manila Water, nag-anunsyo ng water interruption sa ilang mga bayan sa Rizal sa Dec. 4 at 5

Makakaranas ng water service interruption ang 54 Barangay sa lalawigan ng Rizal na sineserbisyuhan ng Manila Water.

Kabilang dito ang mga bayan ng Cainta, Taytay, Angono, Binangonan, Cardona, Baras at Jalajala.

Ito ay dahil sa kinukumpleto ng Manila Water ang Cardona Water treatment plant.

Magsisimula ang water interruption sa Miyerkules, December 4 ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga ng Huwebes, December 5.

Nasa 363,000 populasyon na binubuo ng 72,521 household ang apektado ng water interruption kabilang na ang nasa commercial at business establishments.

Inaabisuhan ang mga apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig na magagamit habang may interruption.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan maaaring tumawag sa 1627 hotline ng Manila Water, Facebook page at Twitter.

.

Please follow and like us: