Maritime operation sa mga pantalan, balik na sa normal

Balik na sa normal ang lahat ng maritime operation ngayon sa kabila ng masamang panahon dulot ng Bagyong Ofel.

Ayon sa Philippine Coastguard as of 12pm wala na silang namonitor na mga stranded na pasahero, barko o bangka sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng PCG ang kanilang 24/7 monitoring ng sitwasyon sa mga pantalan sa bansa.

Lahat umano ng kanilang district station at substations ay naka stand by sa anumang sitwasyon.

Madz Moratillo

Please follow and like us: