Mayor Isko Moreno,hindi raw namumulitika sa paggiit sa P203-B pesos na utang sa buwis ng mga Marcos

Nanindigan si Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na walang pamumulitika sa kanilang panawagan sa mga Marcos na bayaran na ang 203 bilyong pisong utang na buwis.

Giit ni Moreno, obligasyon ng bawat mamamayan ang pagbabayad ng buwis lalo na kung ikaw ay tumatakbo sa public office.

Samantala, bukas balik Laguna ang team Isko para mangampanya.

Isa ang lalawigan na ito sa mga makailang beses ng binalikan ng mga kandidato ng Aksyon Demokratiko.

Ang Laguna ay kabilang sa listahan ng tinatawag na vote rich province.

Pagkatapos sa Laguna itutuloy naman ng Team Isko ang motorcade hanggang sa Muntinlupa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: