Mayor Isko, nakiusap sa publiko na iwasan muna ang pagtungo sa Manila Bay sands

Newly-rahabilitated portion of Manila Bay

Nakiusap si Manila Mayor Francisco “ Isko” Moreno Domagoso na iwasan muna ang pagpunta sa Manila Bay sands ngayong may pandemic  pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Alkalde, mas mainam na sa media na lamang muna makita ng mga tao ang bagong hitsura ng Manila Bay.

Giit ni Mayor Isko, mabuting ipagpaliban na lamang muna ang pagtungo sa lugar para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Noong weekend, dumagsa ang mga tao sa Manila Bay at nalabag ang physical distancing.

Dahil dito, sinibak sa puwesto  ang hepe ng Ermita Police Station na si P/LTCol Ariel Caramoan.

Please follow and like us: