Mayor Sarah Duterte, naghain na ng kandidatura para tumakbong VP sa 2022 elections

Naghain na ng kaniyang kandidatura sa pagka-Bise-Presidente sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) si Davao city Mayor Sarah Duterte.

Pinalitan ni Mayor Inday Sarah ang naunang pambato ng partido sa Vice-Presidential race na si Lyle Uy.

Naghain para sa kandidatura ng alkalde si Atty. Charo Munsayac.

Photo: PTV4

Matatandaang umanib ang alkalde sa partido Lakas-CMD matapos bawiin nito ang kaniyang re-election bid sa pagka-alkalde ng Davao city.

Please follow and like us: