Meeting nina Pangulong Duterte at Chinese president Xi Jinping sa April 8, online – Malakanyang

Hindi face to face ang nakatakdang meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa April 8.

Sinabi ni Acting Deputy Presidential Spokesman Undersecretary Kris Ablan na virtual ang pagpupulong ng dalawang lider.

Ayon kay Ablan mismong si President Xi ang nag-initiate ng meeting kay Pangulong Duterte.

Wala pang inilalabas na agenda ang Malakanyang sa virtual meeting nina Pangulong Duterte at President Xi Jinping.

Vic Somintac

Please follow and like us: