January 20, 2021
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
RadyoAgila.com RadyoAgila.com
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Menu
  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Balita Ngayon
  • COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa 504,084
  • Pangulong Duterte hindi ipapakita sa publiko kung magpapabakuna laban sa COVID- 19 ayon sa Malakanyang
  • Detalye ng mga bibilhing anti COVID-19 vaccine kasama ang presyo handang isapubliko ng Malakanyang
  • IBP, hinimok ang pamahalaan na maging transparent sa mga kontrata sa COVID vaccines
  • San Juan City, sinimulan na ang pakikipag-ugnayan para sa cold chain storage facilities ng COVID vaccines
  • Pamahalaang lungsod, nagkaloob ng 3,978 WiFi devices sa DEPED San Jose Del Monte
  • 772 benepisyaryo, pinagkalooban ng P3,000 Pangkabuhayan COVID-19 Cash Assistance
  • Meycauayan City, mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga ordinansa
  • Travel ban, hindi aalisin ng US sa kabila ng pahayag ni Trump
  • 108-anyos na lola sa Italy, binakunahan laban sa COVID-19
02:48 AM Clock
Home Uncategorized Meralco, tiniyak na ire-refund sa mga customer ang sobrang singil sa kuryente

Meralco, tiniyak na ire-refund sa mga customer ang sobrang singil sa kuryente

on: July 06, 2020

Inamin ng Manila Electric Company na nagkaroon ng over-estimation sa kanilang computations sa billing ng mga customers na naging dahilan ng kalituhan ng publiko.

Sa pagdinig ng Committee on Energy, sinabi ni Meralco Vice-President  at Head of customer retail services Victor Genuino na nangyari ito dahil walang ginawang meter reading noong March at April dahil naka-lockdown ang buong Luzon.

Ibinatay umano nila ito average consumption mula December hanggang February.

Pero paglilinaw ni Meralco President at CEO Ray Espinosa, naikorek na ito matapos makapagsagawa ng meter reading noong huling bahagi ng Mayo at Hunyo.

Kung nakapagbayad na aniya ang mga customers bago maikorek ang kanilang billing batay sa actual meter reading maari naman itong i-refund sa kanilang mga customers.

Iginiit pa ni Espinosa na talagang tumaas ng hanggang 30 percent ang konsumo sa kuryente dahil nasa loob ng bahay ang lahat ng miyembro ng pamilya.

Mas marami aniyang appliances at gadgets ang nagamit dahil sa work from home at mas mainit na panahon.

Wala raw silang balak na maningil sa mga customers ng mas malaki pa sa kanilang kinonsumo.

Samantala, sa kabila ng ginawang corrections ng Meralco, sinabi  ng Energy Regulatory Commission na mas dumami pa ang natatanggap nilang reklamo laban sa Meralco.

Ayon kay ERC Chair Agnes Devanadera na natanggap na nila ang paliwanag ng Meralco sa inisyung show cause order pero maaring muling pagpaliwanagin dahil wala pang malinaw na paliwanag sa miscalculation.

Sa ngayon tuloy kanilang evaluation at pag-iimbestiga sa may mahigit 47,000 reklamo laban sa Meralco.

Pero wala pang malinaw na rekomendasyon kung ano ang maaring ipataw na parusa kung mapapatunayang nagkaroon ng pag-abuso ang Meralco.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

  • Meralco, tiniyak na ire-refund sa mga customer ang sobrang singil sa kuryente
    Previous

    Bed capacity ng mga hospital sa Cebu City para sa mga Covid -19 patient, pinadadagdagan ng National Task Force against Covid -19

  • Meralco, tiniyak na ire-refund sa mga customer ang sobrang singil sa kuryente
    Next

    Avigan trial kontra Covid-19 posibleng masimulan na sa lalong madaling panahon

2014 Powered By Wordpress, Goodnews Theme By Momizat Team

  • Frontpage
  • Headlines
  • National
  • Local news
  • Covid19 Updates
  • World News
  • Feature Stories
Desktop Version Mobile Version
We process and collect personal data based on our Terms of Use and Privacy policy to improve and analyze our service.I agree