Metro Manila at 5 pang lugar sa bansa, mananatili sa ilalim ng GCQ mula Nov. 1 – 30

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Community Quarantine o GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Iligan City, Bacolod City at Lanao del Sur mula November 1 hanggang November 30.

Sa kanyang Address to the Nation, mananatili sa GCQ ang Metro Manila at limang iba pang lugar sa bansa dahil sa mataas pa rin ang kaso ng Covid- 19.

Ayon sa Pangulo, patuloy na babantayan ng pamahalaan ang kaso ng Covid-19 upang makontrol ang paglobo nito at tuluyan ng makapagbukas ang ekonomiya ng bansa.

Magugunitang mismong ang mga Metro Manila Mayors ang humiling kay Pangulong Duterte na kung maaari ay manatili sa GCQ ang National Capital Region o NCR hanggang sa katapusan ng December.

Vic Somintac

Please follow and like us: