Metro Mayors, inirekomenda na ang pagpapatigil ng paggamit ng face shield

Inirekomenda ng Metro Manila Mayors sa Inter-Agency Task Force na ipatigil na ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ang napagkasunduan sa ipinatawag na meeting ng Metro Manila Council kung saan nagpasa ng resolusyon para sa pagpapatigil sa paggamit ng face shield.

Sa kasunduan, oobligahin na lang magsuot ng face shield sa mga itinuturing na critical areas  gaya sa mga ospital, health centers at mga public utility vehicle kung saan dikit-dikit na ang mga pasahero.

Ayon kay Abalos,  nagdesisyon ang mga alkalde dahil 89% ng mga taga-Metro Manila ay nabakunahan na laban sa Covid 19.

Bukod dito, patuloy ang pagbaba ng kaso ng nagkakaroon ng Covid-19 sa NCR bukod pa sa dagdag gastusin ito sa publiko.

Pero paglilinaw ni Abalos, rekomendasyon pa lang ito ng MMC at nasa IATF pa rin ang pagpapasya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: