DOJ maaaring tumulong para ipaliwanag sa Kongreso ang rekomendasyong Martial Law extension

Maaring tumulong ang DOJ para ipaliwanag sa Kongreso ang legalidad at factual basis ng pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao.

Ito ay sa harap ng rekomendasyon na palawigin ang pagpapairal ng Martial Law sa nasabing rehiyon.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang extension ng Martial Law ay nakadepende sa pagpapatuloy ng aktuwal na rebelyon o pananakop.

Pero sa ngayon anya ang pagdetermina kung dapat palawigin ang Martial Law sa Mindanao ay nakasalalay sa AFP.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *