Justice Secretary Menardo Guevarra, binalewala ang pagalis sa pangalan nina Satur Ocampo at tatlong iba sa petisyon ng DOJ na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA

Tiwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na walang epekto sa petisyon ng DOJ na  ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA ang pag-alis ng korte sa pangalan nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at tatlong iba bilang party. respondents

Ayon kay Guevarra, ang CPP at NPA ang ipinadi-deklara ng gobyerno na teroristang organisasyon at hindi ang mga indibidwal.

Anya ang respondent sa petisyon ay ang nasabing mga organisasyon at hindi ang mga nakalagay na pangalan na opisyal at miyembro ng komunistang grupo.

Sa resolusyon ng Manila RTC Branch 17, idineklara na.hindi party respondents sina ocampo at NDFP consultant Rafael Baylosis.

Bukod sa dalawa, idineklara din ng korte na hindi  mga partdido sa petisyon ng DOJ sina Jose Melencio Molintas at UN Special Rapporteue Victoria Lucia Tauli-Corpuz.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *