Malalang problema sa MRT, hindi pa rin pakikialaman ni Pangulong Duterte

Bagamat malala na ang problema sa MRT 3 wala pa ring balak si Pangulong Rodrigo Duterte na pakialaman ang naturang problema.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya paaabutin sa Malakanyang ang anumang papeles ng kontrata patungkol sa MRT o kahit na ano pa mang proyekto ng pamahalaan .

Inihayag ng Pangulo na naniniwala siyang ginagamit ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanyang best judgment para masolusyunan ang  problema sa MRT.

Ayon sa Pangulo, kumpiyansiya siya na gaya ng ibang opisyal pinaiiral din ni Tugade ang due diligence bago pumirma sa anumang panibagong kontrata.

Sa ngayon iilang tren na lamang ng MRT ang gumagana matapos i terminate ng DOTR ang kontrata sa maintenance provider na Buri.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *