Mas mainit pang panahon, mararanasan ngayong linggo

Mas matinding init ng panahon pa ang mararanasan sa bansa,.

Ayon sa  Pag-asa,  papasok pa lang kasi ang bansa sa ‘peak’ ng summer season.

Ngayong linggo, posibleng makapagtala ng heat index na aabot hanggang sa 49 degrees celsius.

Kahapon, nakaranas ng matinding init ng panahon ang ilang lugar sa bansa kung saan naitala ang pinakamataas na temperatura sa sangley point, cavite city na may 47.7 degrees celsius.

Mataas na heat index din ang naitala sa San Jose city, Occidental Mindoro; Dagupan city, Pangasinan; Cuyo, Palawan; Surigao city, Surigao del Norte, Casiguran, Aurora; Daet, Camarines Norte; Aparri, Cagayan; Cabanatuan, Nueva Ecjia; Laoag City, Ilocos Norte; Cotabato City, Maguindanao; Tuguegarao City, Cagayan at Zamboanga city.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *