Mga nagpapakalat ng pekeng gamot, pinaaaresto at pinakakasuhan ni Pangulong Duterte sa PNP

 

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na hantingin at arestuhin ang mga manufacturers ng mga pekeng gamot sa bansa.

Sinabi ni Presidential legal adviser Secretary Salvador Panelo na ang kautusan ng Pangulo laban sa mga manufacturer ng pekeng gamot ay batay sa rekomendasyon ng food and drugs administration o FDA.

Ayon kay Panelo pinakakasuhan din ng pangulo ng Economic sabotage ang mga manufacturer ng pekeng gamot.

Inihayag ni Panelo na nabahala ang Pangulo sa pagpapakalat ng pekeng gamot dahil nalalagay sa peligro ang buhay ng mga mamamayan.

Magugunitang lumabas ang report na nagkalat ngayon ang pekeng paracetamol na pangunahing gamot sa lagnat.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *