Natitirang pisong hirit sa dagdag pasahe ng mga transport groups, dapat gawin na lamang diskwento sa pagbili ng gasolina – Fejodap

Muling iginiit ng Federation of Jeepney Operators Association of the Philippines o Fejodap  na hindi sila pabor sa planong Pantawid Pasada program para sa mga jeepney drivers.

Ayon kay Fejodap President Zeny Maranan, hindi naman ito nakatulong sa mga tsuper nang ipatupad ito noong nakalipas na administrasyon.

Rekomendasyon ni Maranan, kung talagang desididong tulungan ng gobyerno ang mga tsuper ay gawin na lamang diskwento ang natitirang pisong hirit nila sa dagdag pasahe  sa mga ikakargang gasolina.

“Yung piso, i-discount na lang nila sa lahat ng klase ng gasolinahan dahil ang driver ang bumibili ng krudo, hindi naman yung operator kaya binabawas yun sa kanilang kita. Yun ang tunay na subsidy”.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *