Pagkakasangkot ni Janet Lim Napoles sa Pork barrel scam, irere-evaluate ng DOJ-Malakanyang

Ipinauubaya ng Malakanyang sa Department of Justice o DOJ ang re-evaluation ng pagkakasangkot ni Janet Lim Napoles sa kontrobersiyal na Pork barrel scam.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque dapat malaman kung si Napoles ba talaga ang most guilty sa pork barrel scam na pumutok sa panahon ng Aquino administration.

Ayon kay Roque mahalaga ang mga bagong sasabihin ni Napoles para mapanagot talaga kung sino-sino ang nakinabang sa pork barrel fund.

Inihayag ni Roque sa ngayon hindi pa opisyal na pasok si Napoles sa Witness Protection Program ng pamahalaan dahil kailangang mare-evalutate ang kanyang pagkakasangkot sa pork barrel scam kung papasa siyang maging state witness.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *