PAL flights patungo at galing Osaka, Japan kanselado hanggang Sept. 12

 

Mananatiling kanselado ang lahat ng biyahe ng Philippine Airlines mula at patungo sa Osaka,  Japan hanggang sa September 12, 2018.

Ito ay dahil sa umiiral na closure sa Kansai International airport na labis na naapektuhan ng typhoon Jebi.

Ang kalamidad sa Japan ay nagdulot ng ng kanselasyon sa aabot sa 55 flights ng PAL mula at patungong Osaka.

Listahan ng mga flights ng PAL na kanselado hanggang Sept. 12:

  • PR 408 Manila to Osaka (Kansai)
  • PR 407 Osaka (Kansai) to Manila
  • PR 410 Cebu to Osaka (Kansai)
  • PR 409 Osaka (Kansai) to Cebu
  • PR 896 Taipei to Osaka (Kansai)
  • PR 897 Osaka (Kansai) to Taipei

Ang mga pasahero na pauwi ng Pilipinas galing sa Kansai airport ay maaring mag-reroute sa ibang flights ng PAL mula Nagoya, Tokyo Haneda at Tokyo Narita.

Kailangan lamang nila bumiyahe by land mula sa Kansai patungong Nagoya, Haneda o Narita airport.

Ang mga pasahero naman ng PAL na patungo sa Osaka ay pinapayuhan din na mag-reroute na lamang sa ibang paliparan ng Japan.

 

===========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *