Mga 5 to 11 yrs old na nagpapre-register para sa COVID-19 vaccination sa Maynila mahigit 11,000 na

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga kabataan sa Maynila na nagpahayag ng pagnanais na mabakunahan kontra COVID-19.

Sa datos ng Manila LGU, hanggang kahapon nasa 11,281 kabataan na nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nagpa pre register para sa bakunahan.

Ang pagbabakuna sa nasabing age group sisimulan sa Pebrero 4.

Habang sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos naman, may 186,302 na ang nagparehistro.

Sa datos ng Manila LGU, may mahigit 135 libong kabataan na ang nabigyan ng 1st dose ng bakuna sa lungsod habang 114 libo naman ang fully vaccinated na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: