Mga bagong opisyal ng Philippine Association of Law Schools, nanumpa sa puwesto

Pinangasiwaan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang panunumpa ng mga bagong halal na board of trustees at mga opisyal ng Philippine Association of Law Schools (PALS) para sa 2022-2024.

Ang PALS ay binubuo ng 129 law schools sa buong bansa na layuning pataasin ang pamantayan ng legal education sa Pilipinas at maabot ang global standards.

Online ang isinagawang oath-taking ng mga bagong PALS officers.

Courtesy: SC PIO

Hinamon ni Gesmundo ang mga opisyal na gawing mas akma sa panahon at sa pangangailangan ng lipunan ang legal education.

Sinamantala din ni Gesmundo ang pagkakataon para pasalamatan ang mga law schools deans sa kanilang suporta sa katatapos na bar examinations.

Si Lyceum of the Philippines Dean Ma. Soledad Deriquito-Malawis ang hinirang na PALS Chairperson at Trustee-At-Large.

Moira Encina

Please follow and like us: